Tuesday, January 25, 2011

unknown analysis

             1.25.10. Gumawa ako ng Unknown Analysis. Kung saan huhulaan mo ang sugar na ibinigay sa'yo. Individual siyang gagawin. Di kasi ako pumasok nung ginawa nila yan kaya ako gumawa ako mag-isa. Mag-isa lang talaga siya gagawin talagang mag-isang lang tlga ako gagawa. Dahil matapos ang klase sa Biochem saka ako gumawa ng Unknown Analysis. First time kong mag-experiment mag-isa. 4:30-7:30pm ang klase ko sa Biochem. Wala pang 6pm tapos na ata ang klase ngayon nagrequest akong gumawa na tutal 7:30pm pa uwian kaso yung mga blockmates ko umuwi na kasi sabi ng prof pwd nang umuwi so ako nlng mag-isa natira sa room. Huwaw! ako nlng.
             Kinakabahan ako hindi dahil sa gagawin kong experiment kinakabahan ako dahil ako na lang mag-isa. Hello syempre hindi ako nagpapahalata ng natatakot ako. Nung ako na lang mag-isa sa Laboratory ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko mapigilang mag-isip tungkol sa mga multo. Scary. Grabe. Yung klase sa katapat kong room tapos na. Yung janitor ng school nakikita kong naglilinis na. Tapos niya na atang linisin yung buong building eh hindi pa ko tapos ang experiment ko. Nalinisan niya na rin yung room kung saan ako nag-eexperiment, matapos nun tinanong niya ako. "miss matatapos kna?" ang sabi ko "malapit na kuya, pasensya na ha" sabay ngiti. Maya maya'y umalis siya lumakas lalo yung kaba ko kasi nararamdaman kong ako na lang ang estudyante sa floor na yun. May naramdaman ako sa may bandang harap malapit sa board. Naririnig ko na parang my nag-uurong ng upuan. Sh*t. sabay dasal ako. ang madalas kong pinagdadasal ay 1 Our Father, 3 Hail Mary's and 1 Glory Be. So, ako naman todo dasal. Natatakot nako. kasi naman yung pinakukuluan ko ang tagal mag-init ayan tuloy natatakot na ko. Hindi lang isang beses naririnig ko ang urong ng mga upuan sa harapan kaya't minadali ko na ang ginagawa ko. (hindi ko na nga sinusukat yung mga chemicals eh) hahaha. And then ayun, after 1/2 hour natapos na kong mag-experiment. Sa wakas. Nagmadali ako pumunta sa Prof ko masabing tapos na nga ako. Ang sabi niya sige linisin mo na dun at dalhin mo na ang Manual mo.
                Dali-dali kong nilinisan lahat ng pinaggamitan ko. Pagkatapos ko/y pumunta nako agad sa kanya. Grabe hirap kaya ng ginawa ko, Try mo! :) hindi lang oras at pagod ko ang ginugol ko sa paggawa kundi pati takot ko na mapag-isa inalay ko na hahaha. Grabe talaga. Pero anyway, my experiment was successful. Perfect ako. nahulaan ko ang experiment. And it was Sucrose.

               Ngayon, sa totoo lang yung perfect score ko nabawasan dahil nga late ako nag-experiment. And I learned my lessons, ayoko ng mahuli sa mga ganung experiment. Mahirap pala. Kaya simula ngayon, papasok nako palagi sa BioChemLab ko para hindi na maulit yung ako na lang gumagawa. Maraming dapat itaya, at AYOKO nang maulit pa.